Sa pagpasok ng Bagong Taon ay binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan
ang isang bagong Pamilihan para sa Bayan ng Quezon. Ang dalawang
palapag na gusali ay masusing binuo at itinindig upang mas mapaganda
ang serbisyo para sa mga mamamayan ng Quezon na namamalengke.
Pinangunahan ni Governor Oyie Matias-Umali ang ribbon cutting sa
nasabing pamilihan, ngayong araw. Labis naman ang pasasalamat ni
Mayor Boyet Joson sa walang patid na malasakit na ipinadarama ng
Kapitolyo sa Bayan ng Quezon.






